Nagising akong sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Anong nangyari kagabi? Wala akong maalala. Basta ang naaalala ko lang ay nalasing ako. Iyon lang. May ginawa pa ba ako? Bakit feeling ko meron? Napatingin ako sa suot kong damit. Nagtaka ako dahil iba na ito, hindi gaya ng suot ko kagabi. Nakapangbahay na ako ngayon. Hindi ko maalalang nagpalit ako. 'Tsaka paano ako nakauwi rito? Napaungol ako dahil sa bigat ng ulo ko, sobrang sakit kapag ginagalaw ko. Masyado nga atang naparami ang inom ko kagabi. Hindi ko na naman na-control ang sarili ko. Tatayo na sana ako para makaligo na nang biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot without looking at the screen. "Good afternoon, our beloved vocalist!" I rolled my eyes when I heard Charles' voice. Ano na naman kailangan

