Chapter 8

1533 Words
        Muli akong napatingin sa aking cellphone na kanina pa nagv-vibrare. Pang-ilang tawag na ito ni Kuya simula kaninang umalis ako sa mall. Siguro ay nalaman na niya ang nangyari, siguro ay nasabi na iyon sa kaniya ng kaniyang asawa. Ayaw kong sagutin ang kaniyang tawag dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Maging sa kaniya ay naiinis ako, naiinis ako sa lahat, sa parents ko at lalung-lalo na sa babaeng pinakasal kay Kuya. Kung hindi lang talaga malapit sa akin si Kuya at kung hindi lang siya mahalaga ay hinayaan ko na ito. Sana ay wala na akong pakialam pero hindi. Ayaw kong nakikita ng mga tao, lalo na ng mga kamag-anak naming niloloko siya ng pinaasawa sa kaniya kahit alam pa iyon ni Kuya. They are married for Pete's sake, tapos ganon ang gagawin niya. Kahit sabihin niya pang arranged marriage lang iyon. They are still married at hindi na dapat niya ginagawa ang bagay na 'yon. "Savien." Napalingon ako sa likuran ko. Paano ako nahanap ni Kuya? Paano niya nalamang nandito ako? Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang bote ng alak. Nandito ako ngayon sa Residencia, isa itong resto bar at open ang place kaya maaliwalas ang paligid lalo na kapag gabi dahil kitang-kita ang city lights. Ito ang takbuhan ko sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa akin, dahil kapag pumupunta ako dito ay parang nawawala ang lahat ng gumugulo sa akin. "I'm sorry." Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakahalumbaba at tila may mabigat na dinadala. Bumuntong-hininga ako at uminom sa binigay niyang alak. Ayaw kong nakikita siyang ganito, madalas ay nakakasama ko si Kuya sa puro kasiyahan at tawanan lang. "Alam kong naiinis ka ngayon sa akin. Disappointed." "Mas naiinis pa rin ako sa bestfriend mo, sa asawa mo," I said as I rolled my eyes at him. "I know what she did, Sav," tumigil si Kuya at tumingin sa akin, "kasi ako ang nagsabi sa kaniya na gawin ang bagay na 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya, "what the heck, Kuya? Nababaliw ka na ba? Paano kapag nakita siya nila mommy na may kasamang ibang lalaki? Paano kapag nakita siya ng mga kamag-anak natin? Ano na lang ang sasabihin nila sa 'yo?" Pinigilan ko ang sarili kong huwag taasan ang boses ko kahit galit na galit na talaga ako. Maraming tao rito at ayaw kong maturingang eskandalosa. Bumuntong-hininga si Kuya, "hindi ko na 'yan naisip. I'm just desperate to help her, to make her happy. Ayaw ko siyang ikulong sa akin kahit kasal kami. Kahit iyong kalayaan man lang niyang makasama niya iyong taong gusto niya ang maibigay ko sa kaniya. Masyado siyang nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon because of our parents, Sav." Hindi ko siya maintindihan sa huling sinabi niya, naguguluhan ako. "Because of our parents? Hindi ba't ginusto rin ito ng parents niya?" Uminom si Kuya sa hawak niyang alak. Hinintay ko siyang magsalita, hinintay ko siyang may sabihin pero wala akong nahintay. "Bakit ba kasi siya pumayag? Pwede namang isa sa inyo ang magreklamo, ang tumakas para hindi na mangyari 'yan." "I'm sorry," malungkot na sabi ni Kuya. Hindi ko man maintindihan ang reason nila kung bakit sila nagsstay sa ganitong sitwasyon ay inintindi ko na lang at hindi na lang ako umimik pa ulit. Gwapo naman si Kuya. Mas gwapo kaysa sa ro'n sa kasama ni Shania kanina na mukhang bakla. Bakit hindi na lang si Kuya? Bakit hindi niya magawang magustuhan ang kapatid ko gayong sobrang bait nito. Tinapik ko si Kuya sa kaniyang likod, "give me a ride, Kuya. I just missed being with you at mag joyride." Ngumiti si Kuya na ikinagaan ng dibdib ko. I just hate seeing him like this kahit na hindi ko maiwasang isiping napakaduwag talaga niya. "Sure! Let's go?" Alas nuebe pa lang naman at 10 pa ang start ng gig ko kaya may oras pa para makasama ko si Kuya. Para makapaggala sa kung saan namin gusto. "First things first, I'mma say all the words inside my head I'm fired up and tired of the way that things have been, Oh!" Kanta ko habang sinasabayan ang tugtog sa sasakyan ni Kuya, this is our favorite song. "Ooooh, the way that things have been, oh!" Sabay kaming kumakanta ni Kuya habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana at siya naman ay nagdridrive. Natatawa na lang kami kapag nagkakamali siya. Sobrang namiss ko itong ganito. Nang makarating kami sa Ace Bar ay nagpaalam na sa akin si Kuya dahil may pupuntahan pa raw siyang importante. Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ng mga kabanda ko. "Saan ka pumunta kanina, Sav?" Tanong nila. Nagulat ako nang makita ko si Shania sa 'di kalayuan. Wala siyang kasama pero maraming alak sa harap niya. "Sumakit bigla iyong tiyan ko kanina kaya pumunta akong hospital," pagsisinungaling ko sa kanila. "Hospital agad?" "Agad agad?" I rolled my eyes at them. Bakit ba kasi iyon ang sinabi ko. Hindi tuloy kapani-paniwala. "Tara na nga, let's start." "Teka, Sav. Si Ate Shania pala nandito." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jerald at nagsimula nang maglakad papuntang stage. Kinuha ko na iyong gitara ko at inayos, lumapit na rin sa akin ang mga kabanda ko at nagsimula nang tumugtog. Mabilis na natapos ang gig namin. Pagbaba ko sa stage ay agad akong kumuha ng alak at ininom ito nang diretso. Kukuha pa ulit sana ako nang may lumapit sa aking isang lalaki. Gwapo siya at matangkad, halatang mayaman dahil sa itsura nito. "Savien, right?" Tanong nito sa akin sa aking tenga dahil maingay pa rin, "I'm Christian," nilahad nito ang kaniyang kamay. Tinignan ko lang ang kamay niyang nasa harapan ko na ngayon, "what do you need?" Sa tingin ko ay first time niya lang pumunta rito dahil hindi pa siya sigurado sa pangalan ko at ngayon ko lang din siya nakita rito. Hindi ko maipagkakailang malakas ang dating niya, para siyang artista o isang modelo sa itsura niya. "It is my first time here and you caught my attention habang kumakanta ka kanina." Hindi siya mayabang magsalita hindi katulad ng ibang mga lalaking lumalapit sa akin na sobrang hangin. Iyong iba, porket may itsura ang lakas na nilang magyabang. "So?" "I'm thinking if we can go out sometime? If you wanna go out with me?" Magsasalita pa lang sana ako nang may humila na sa akin at pagtingin ko ay sila Charles at Dave. Ano na naman bang trip nila? Muli akong lumingon kay Christian na ngayon ay nakangiti at kumakaway sa akin. He's handsome pero mukha pa rin siyang babaero. "Mamaya ka na makipaglandian. Uminom na muna tayo," sabi nila at tinulak ako paupo sa tabi ni Shania. I rolled my eyes at them at kumuha na lang ng alak. Naalibadbaran ako rito sa katabi ko. Paano niya nagagawang maging kalmado knowing that she did something wrong kanina? Oh, right, si Kuya nga pala ang nagsabi sa kaniya na gawin niya 'yon. So, wala siyang kasalanan gano'n? "Hoy, Sav. May balak ka bang maglasing? Kanina ka pa shot nang shot, ah," pigil sa akin ni Jerald at kinuha iyong hawak kong baso na puno ng alak. Ramdam ko na ang tama ng alak sa buong katawan ko. Hindi ko na pala namamalayang napaparami na ang inom ko. Eh, paano? Iyong inis, galit, at sama ng loob na lang ang nangingibabaw sa isip ko kanina.. at hanggang ngayon. "Makapagpigil kayo sa akin, eh, mas malala pa nga kayo!" Sigaw ko sa kanila at muling kumuha ng isang basong alak at agad iyong ininom nang diretso. "Tama na 'yan, Sav. Lasing ka na." Hindi ko sila pinansin at muling sana akong kukuha ng isa pang shot nang pigilan ako ng katabi ko. "You're drunk." I rolled my eyes at her. Anong pakialam niya? 'Tsaka bakit ba siya nandito? Bakit hindi na lang siya sumama ro'n sa nagugustuhan niya? "Pasensya ka na, Mrs. Shan. Weak talaga 'yan pagdating sa inuman. Mabilis malasing." Tinignan ko nang masama si Charles dahil sa sinabi niya pero nagpeace sign lang siya at ngumiti na parang bata. "Ihatid na namin kayo, Mrs. Shan. Makulit ito kapag lasing, baka ķung anong mangyari sa inyo sa daan." "Sinong may sabing lasing na ako? I can still dance!" Sigaw ko at tumayo para sumayaw. Tatanggalin ko sana ang suot kong pang-itaas nang hawakan ako ng mga kabanda ko, "ang init! Gusto kong maghubad! Ano ba!? Bitiwan niyo nga ako!" Umiikot na ang paligid ko at nagiging malabo na rin ang paningin ko. Parang gusto kong sumuka ngayon din. Hindi ko man lang namamalayan ay nasa sasakyan na ako. Nagteleport ba ako? May kapangyarihan na ba ako? Napatingin ako sa katabi ko, "sino ka!?" "Hoy, Sav." "Are you my brother's wife? You b***h!?" Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa dilim, but she's looking at me. Paano siya nabubuhay na ni isang emosyon ay wala siya? Sino ito? Tao ba 'to? O robot? Ang perfect naman niyang robot, ang sexy at ang ganda! Hahawakan ko sana siya pero hindi na kaya ng katawan ko kaya bumagsak na ako sa dibdib nito at hindi ko na namalayang nakatulog na ako. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD