"Kuya, inaantok pa ako," reklamo ko kay Kuya dahil kanina pa niya ako tinatapik. Nakadapa ako ngayon at ni hindi ko magawang imulat ang mga mata ko para tignan si Kuya dahil sa matinding antok.
Anong oras na ba? Antok na antok pa ako. Anong oras na akong nakauwi dahil sa gig ko kagabi. Sobrang sakit pa ng katawan at ulo ko.
Nakarinig ako nang pagsarado ng pintuan kaya kahit masakit sa mata ay pinilit kong magmulat. Nakakapagtataka at ni hindi man lang nagsasalita si Kuya.
Pinilit ko ulit matulog pero hindi ko na magawa. Kahit anong gawin kong position ay hindi na ako makatulog. Antok pa ako pero ayaw na ng isip kong matulog kaya bumangon na lang ako at pumunta na sa bathroom ko para makapaghilamos.
Pagbaba ko ay nakita ko si Shania sa kusina na kumakain mag-isa. Nasaan si Kuya? Napatingin ako sa relos ko, it's already 12 in the afternoon at siguradong nasa trabaho na siya ngayon. Ibig sabihin ba nito ay si Shania kanina iyong gumigising sa akin?
Nang makita niya ako ay tumayo siya at kumuha ng isang malinis na plato, kutsara at tinidor. Walang imik niyang nilagay ito sa harap niya at muli na siyang umupo. Napailing ako, ang tahimik niya. Kahit matagal ko na siyang nakakasama ay hindi pa rin ako sanay sa katahimikan niya. Tapos kapag nagsalita naman siya ay sobrang sungit at cold. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakikisamahan lalo na't she's my sister-in-law.
"I'm sorry, I thought you are Kuya kanina," sabi ko rito at naupo na sa harap niya.
Tumango lang siya at tuloy pa rin sa kaniyang pagkain. Hindi kaya napapanis ang laway nito dahil sa hindi niya pagsasalita?
"Aalis ako mamaya," muling saad ko at kumuha ng pagkain, "may practice kami ng mga kabanda ko. Baka kasi magtanong din si Kuya sa 'yo pag-uwi niya."
"You can text or call him."
I rolled my eyes at her. Sabi ko nga. Hindi na lang ulit ako umimik at agad na tinapos ang pagkain ko. Masarap iyong luto niya. Sa totoo niyan gusto ko pa talagang kumain pero nawawalan ako ng gana lalo na't ganoon iyong kaharap ko.
Nang makalabas ulit ako ng kwarto ko ay saktong paglabas din ni Shania sa kwarto niya. Nakaayos siya ngayon at sa tingin ko ay may lakad din siya. I was about to leave nang marinig ko siyang magsalita.
"Saan kayo magprapractice?" Tanong nito sa akin.
Nag-aalangan man at nagtataka ay sinabi ko pa rin sa kaniya kung saan kami magprapractice. Bakit niya tinatanong?
"Let's go."
"Teka," pigil ko sa kaniya dahil naguguluhan talaga ako. Sasama ba siya sa akin? Kaya ba siya nakaayos ngayon?
"Pupuntahan ko ang Kuya mo sa workplace niya. Saktong madadaanan ko naman iyong pupuntahan mo," sabi nito sa malamig pa rin na boses at nagsimula nang maglakad palayo sa akin.
Iyon na ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin simula nang magkausap kami. Pero ganoon pa rin naman. Walang pagbabago. Kahit mahaba ang sinasabi niya ay wala pa rin itong kaemo-emosyon, cold pa rin.
Bumuntong hininga ako at lumabas na rin ng bahay. Nasa sasakyan na siya ngayon at sa tingin ko ay hinihintay na lang niya ako. Sumakay na ako pero ilang segundo na ang lumilipas ay hindi pa rin kami umaalis kaya napatingin ako sa kaniya.
"Seatbelt," tila nawawalan na ng pasensyang sabi nito.
Makapagsabi siya ng seatbelt, noong hinatid nga namin ang mga kabanda kong lasing ay hindi niya ginamit ito at ako pa ang naglagay. Pero imbes na sabihin iyon ay ginawa ko na lang gusto niyang mangyari para makaalis na kami. Late na ako sa practice namin at paniguradong ngawa na naman ang mga kabanda ko.
Habang nagdr-drive siya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Ang seryoso ng mukha niyang nakatingin lang nang diretso sa daan. She's so hot sa suot niyang spaghetti strap at jeans, kahit ano namang gawin niya o isuot niya ay hot pa rin siya. Kahit siguro magsuot na siya ng basahan ay fashion pa rin iyon sa paningin ng mga makakakita sa kaniya dahil sa galing nitong magdala.
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang salamin. Unang beses ko siyang nakitang suot ito, may grado kaya ang mata niya? Mahina ang paningin niya o she's just using it dahil trip niya lang?
"Thanks," sabi ko nang makarating kami sa Ace Bar.
Pilit kong tinatanggal ang seatbelt ko pero ang hirap kaya napatingin sa akin ang masungit kong sister-in-law. Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at lumapit siya sa akin, sobrang lapit at halos magpigil na ako ng hininga. My heart skipped a beat. Konti na lang ay madidikit na talaga ang ilong ko sa labi niya. Ramdam na ramdam ko na rin ngayon ang paghinga niya–and damn! Ang fresh ng hininga niya at ang bango.
"T-thanks," nauutal na sabi ko sa kaniya nang matanggal na niya ang seatbelt ko. Agad na akong bumaba sa sasakyan niya at dumiretso na sa loob ng bar.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kanina ay hihimatayin na ako dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Hindi ko alam why I'm feeling this way pagdating sa kaniya. Feeling ko ay naiintimidate ako sa kaniya sa tuwing malapit siya sa akin.
Ano bang meron sa 'yo, Shania Salvador?
"You're 20 minutes late again, Sav."
I rolled my eyes at Dave na ngayon ay nasa barstool at lumalamon ng pizza. Lumapit ako sa kaniya at kinuha iyong hawak niya saka walang anu-anong sinubo.
"Hoy, akin 'yon, eh," parang batang reklamo nito.
Napatingin ako sa ibang kabanda ko. Iyong iba ay nasa sofa at tulog, si Charles naman ay nakaupo lang habang hawak ang kaniyang gitara.
"Tara na, practice na tayo para matapos na."
"Mamaya na. Tinatamad pa kami."
"Tapos makasabi ka na late ako hindi rin pala tayo agad magprapractice? Kapag kayo hindi pa gumalaw, aalis na ako ngayon," banta ko sa kanila at aalis na sana nang dali-daling pumunta ang mga kabanda ko sa stage.
"Ano na, Sav? Practice na!" Tila galit pang sabi nila kaya napailing na lang ako.
Ang sarap nilang hampasin ng gitara pero hindi ko iyon magawa dahil naawa ako sa gitara ko at baka masira lang. Matitigas pa naman ang mga ulo ng mga kabanda ko.
May mga itsura ang mga kabanda ko. Matatangkad sila at gwapo bukod sa magaling talaga silang tumugtog. Kaya naman marami ring nagkakandarapa sa kanila. Hindi maipagkakaila na isa ring rason ang itsura kung bakit kami sumisikat ngayon.
Nakilala ko sila at nabuo namin ang banda namin noong haranahin ako ni Charles noong high school kami. Hindi ko siya gusto kaya kapalit ng pangrereject ko sa kaniya ay nagsuggest akong bumuo na lang kami ng banda at 'wag ng love team. Noong una ay hindi niya matanggap dahil masakit daw iyong rejection na natanggap niya pero kalaunan ay pumayag din at nang tumagal ay naging okay na rin kami, hanggang sa sumisikat na ang banda namin at imbes na mas lumalim ang nararamdaman niya para sa akin ay naging pagkakaibigan na lang iyon at bukod sa bandang nabuo ay nakabuo rin kami ng malalim na friendship. They are like my brothers now. Sa ilang taon ba naman naming samahan sinong hindi makakabuo ng friendship?
"Ginugulo ka pa rin ba ni Warren?" Biglang tanong sa akin ni Charles nang matapos kaming magpractice. Tumingin din sa akin ang iba.
Umiling ako. Simula noong last na kinausap niya ako, iyong niligtas ako ni Shania sa kaniya ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Warren. Sa tingin ko ay banned na siya ngayon dito sa bar.
Muli ko na naman naalala iyong labi ni Shania. Nakakapang-akit talaga lalo na't ang ganda ng shades ng lipstick niya, maging iyong kurba ng bibig niya–shit, Sav! Ano na naman bang iniisip mo?
"Kumusta pala si Kuya Steve? Tagal na rin ulit niyang hindi nakapanood ng gig natin."
"Masyadong busy sa trabaho 'yon. Ni hindi na magawang magsaya para sa sarili."
"Malay mo naman masaya siya sa ginagawa niya."
Natahimik ako sa sinabi ni Raf. He's right. Masaya nga talaga si Kuya sa ginagawa niya kaya napakaswerte nila mommy sa kaniya dahil hindi na nila ito kailangang pilitin pa sa gusto nilang mangyari kay Kuya. Mabait na anak si Kuya, lahat ng gusto nila mommy ay sinusunod niya. Kaya rin hindi na siya umangal at nagreklamo pa sa arranged marriage dahil ayaw niyang magalit ang parents namin sa kaniya.
Bumuntong-hininga ako. Apat kaming magkakapatid. Dalawang lalaki, dalawang babae, at ako ang bunso. Pero ako lang ang malayang nakakagawa lahat ng gusto ko, ako lang ang nakakabreak ng rules sa bahay, at ako lang ang anak na hindi sumusunod sa parents namin. Ayaw kong maging katulad ng buhay ko ang buhay nila dahil siguradong malulungkot lang ako knowing na puro kagustuhan lang ng mga magulang namin ang nasusunod. Walang kalayaan.
"Eh, iyong asawa niya? Ganoon ba talaga 'yon? Ni hindi man lang kami kinakausap o kahit sulyap man lang ay wala."
"Lagi siyang naka-poker face lang," sabi ni Haris at ginaya ang mukha ni Shania.
"Ang pangit mo, Haris," binato ni Dave si Haris ng drumstick.
"Pero kapag si Ate Shan ang naka-poker face ang hot tignan."
Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa pagtawag ni Jerald kay Shania ng Ate. She's my sister-in-law pero ni hindi ko man lang siya matawag na ate, hindi ko masikmuraang tawagin siya ng ganoon kahit Kuya ang tawag ko sa kapatid kong napangasawa niya. 25 na si Kuya at siguradong gano'n din siya.
"Paano ba maging kasing lakas at gwapo ni Kuya Steve? Ang galing, eh. Nakasulot siya ng gano'ng klaseng babae."
"Oo nga, Sav. Anong sekreto niyong magkapatid? Maging ikaw, kahit babae ka, ang gaganda pa rin ng mga nasusulot mong babae."
"Malakas lang talaga ang dating namin," pagmamayabang ko sa kanila.
"Sus, ako rin naman. Hindi ko lang magawang patulan sila dahil kay Ruby my love. Faithful and loyal 'to, e."
"So, ano na nga ulit 'yung last na kakantahin natin?" Pag-iiba ni Rafael sa usapan dahil sa sinabi ni Dave.
Natawa na lang ako sa pang-iignore nila sa pinakabata sa amin. Siya ang pinakabata pero siya iyong may ka-live-in partner. Masyadong in love kay Ruby, eh. High school pa lang kasi ay sila na, sobrang tagal na pero hindi pa rin sila nagkakasawaan. And I think iyon ang matatawag na pag-ibig.
"Palibhasa ginayuma mo si Ruby," pang-aasar ko kay Dave.
"Hoy, anong ginayuma? Sadyang in love lang siya sa kapgwapuhang taglay ko. At saka matino kasi ako hindi gaya niyong puro laro."
Napatingin silang lahat sa akin, "paano nga ulit 'yung laro, Sav?"
"Heh! Eh, kayo? Mga mahihina at torpe."
Natahimik sila sa sinabi ko kaya tawang-tawa si Dave. Lahat na ngayon ay nakatingin sa kaniya nang sobrang sama. Hindi talaga sila mananalo sa akin pagdating sa asaran, weak!
Napatingin ako sa relos ko, alas kuwatro y media pa lang at 10 pa ang start ng gig namin. Nagpaalam ako sa kanila para pumunta sa mall pero imbes na ako lang sana ang aalis ay sumama na rin silang lahat. Mga walang magawa.
"Ikaw, Dave. Doon ka sa Ruby mo. Hindi ba't faithful and loyal ka, dapat siya ang sinasamahan mo ngayon."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa asaran hanggang sa nakarating kami sa mall. Kung anu-ano lang ang ginagawa namin sa loob. Kain, tawanan, asaran, para kaming mga bata at halos pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa mga pinaggagawa namin.
"'Di ba si Ate Shan iyon?"
Napatingin ako sa tinuturo ni Jerald. Tama nga siya, siya iyon at may kasama siyang isang lalaki. Nakatalikod iyong lalaki sa amin pero sigurado akong hindi si Kuya 'yon.
"Sino 'yung kasama niya, Sav?"
Naalala ko iyong pag-uusap nila noon ni Kuya sa cellphone. Iyong nag-aasaran sila ng taong gusto nila. Hindi kaya iyon iyong gusto niya? Ang sinabi niya sa akin ay kay Kuya siya pupunta but she's here with another guy.
"Baka naman pinsan niya lang iyon?"
"A-ah, yeah. That's her cousin. Pumunta na rin noon 'yan sa bahay," sabi ko sa mga kasama ko para hindi nila isiping nanlalalaki ang asawa ni Kuya.
Hindi alam ng mga kabanda ko ang arranged marriage na nangyari kay Kuya at kay Shania dahil ayaw rin naman nila itong ipaalam sa kahit na sino.
"Tara na nga, ayaw ko siyang makita ngayon-"
"Ate Shan!"
Napapikit ako nang marahan dahil sa kakulitan nila. Pagtingin ko sa asawa ng kapatid ko ay nakita ko ang gulat sa mga mata nito pero agad ding nawala iyon at bumalik ang malamig niyang mga tingin at ang kaniyang walang kaemo-emosyong mukha. This is the first time na nakita ko siyang nagulat, na magkaroon ng reaksyon ang kaniyang mukha.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, nakatingin lang siya sa amin. At tila naghihintay.
"You know them?"
Napatingin ako sa lalaking kasama niya. So, ito ba iyong lalaking gusto niya? At sa public place pa talaga nilang naisipang magdate? Hindi ba nila naisip na baka may makakakita sa kanila? Ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak namin kapag nakita siyang may kasamang ibang lalaki? Siguradong iisipin nilang niloloko niya lang ang kapatid ko.
Kung gagawin niya rin naman pala 'to sa kapatid ko, edi sana hindi na lang siya pumayag sa arranged marriage at pinaglaban na lang niya iyong taong gusto niya.
"Sav!" Tawag sa akin nila Charles nang magsimula na akong maglakad palayo sa kanila.
Hindi ko sila kayang harapin ngayon. Nahihiya ako para sa kapatid ko dahil sa asawa niya. Naiinis ako sa kaniya!
To be continued...