"Shh, I'm sorry. But, I promise.. one day I will make you mine. I will fix this, I promise." Hanggang ngayon ay kabisadong kabisado ko pa rin ang pinangako niya sa akin noon. Ilang taon na ang nakalilipas pero nakatatak pa rin iyon sa isipan ko. "I don't know if you still remember my promise but that's the reason why I came back here. Bumalik ako rito para tuparin iyon." Aasa na naman ba ako? "Goodness, Savien! Tama na, okay? Hindi ka na marupok, 'di ba?" Napasabunot ako sa sarili ko. Maling mali talaga na pumayag ako sa gusto ni Kuya. Dapat ay hinatid ko na lang siya sa bahay nila–pero kakayanin ba iyon ng konsensya ko? "Ano ba?!" Pinatong ko ang isang unan sa mukha ko at doon ay impit na tumili. Naiinis ako sa sarili ko ngayon, naiinis ako sa pagbalik niya, naiinis ako sa

