Huminga ako nang malalim habang hinihintay ko ang pagsakay ni Shania. Hindi pa rin mapakali ang puso ko, parang pinagsisisihan ko ang ginawa ko kanina. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. God, Savien. Tatlong taon na ang nakalilipas, babalik ka na naman ba sa nakaraan? Nang makasakay siya ay walang imik kong pinaandar ang sasakyan. Ang mga mata ko ay nasa daan lang pero iyong isip ko ay kung ano na naman ang iniisip. Bumabalik na naman ba ako sa dati? "How are you, Savien?" Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng sasakyan ko nang marinig ko ang tanong niyang iyon, "I'm okay," tipid na sagot ko at kinagat ko ang loob ng ilalim ng labi ko. Matapos mo akong saktan at paasahin tatanungin mo ako kung kumusta ako? Aba! Bakit ba kasi hindi ko pinaghandaan ang bagay na ito?

