"-When you walk away I count the steps that you take Do you see how much I need you right now? When you're gone The pieces of my heart are missing you When you're gone-" "Ang lungkot masyado ng lyrics niyang pinapatugtog mo, Christian. Palitan mo nga," sambit ko sa katabi ko at nagbukas ulit ng isa pang beer. Nandito kami ngayon ni Christian sa lugar kung saan malayo sa mga tao, tahimik, at mapresko ang hangin. Nakaupo kami sa harap ng pulang sasakyan ko habang nag-iinom at nakikinig ng music. Gabi na, I think it's already 10 in the evening. Bakit kami nandito? Hindi ko rin alam sa kasama ko, basta na lang niya akong hinila at hinablot ang susi ng sasakyan ko saka ako pinunta rito. "Relate ka lang, e," pang-aasar nito habang naghahanap ng bagong kanta, humithit siya sa siga

