Chapter 5
- Sia's POV -
Natapos na ang flag ceremony at agad nagsimula ng mga gawain nila ang mga estudyante. Kami namang mga professor ay pwedeng mag-ikot at mag-enjoy dahil wala din naman kaming klase.
Ako naman ay bumalik sa faculty dahil may kukunin ako. Pagpasok ko ng faculty ay agad kong nahanap ang wallet at phone ko at palabas na sana ako ng biglang may sumulpot sa harap ko. At, kilalang-kilala ko kung sino iyon.
"Matias, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at niyakap nanaman ako.
"I miss you, too." Sabi nito at batid kong nakangiti parin ang lalaking ito. Npapuntong hininga ako at tatanggalin na sana ang pagkakayakap nya sa akin ng sya na mismo ang nagtanggal noon.
"Ano nga kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko nanaman sa kanya.
"I'm here to see you." Sabi nya at hinawakan ang tyan ko na parang may laman na iyon. "Wala parin ba tayong nabubuo?" Taning nito habang hinihimas ang tyan ko at nakatingin doon.
"Maghintay ka lang. Malay mo, meron na yan. Di lang nagpapahalata." Sabi ko at nauna na sa kanya lumabas ng faculty.
"Talaga? Pwedeng ganon?" Parang batang tanong nya sa akin.
"Oo nga. Tyaka, isang buwan palang ang nakalipas nung may nangyari sa atin kaya wag kang magmadali." Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng building.
"Anong gusto mong pangalan? May naisip ka na ba?" Tanong nya sa akin. Napalingon ako sa kanya at napangiwi.
"Matias, hindi pa nga tayo sigurado kung makakabuo ba tayo tapos ngayon nasa pangalan ka na?" Nakangiwi kong sabi. Sya naman ay nag-iwas ng tingin na para bang napahiya.
"Sorry." Sabi nito habang hindi nakatingin sa akin at halata ang pagkalungkot nya. Kaya naman napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay nya.
"Wag ka na malungkot. Samahan mo nalang ako mag-ikot dito." Sabi ko na agad namang ikinataas ng ulo nya at ngumiti.
"Sige." Parang bata nanaman nyang sabi. Naglakad na kami at nagulat ako ng hawakan nya ang sa kong kamay at pagkislupin ito kasama ang kanya. Napatingin ako sa kanya at binigyan nya lang ako ng ngiting hindi ko pa nakikita.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at may nakita kami doong photo machine. Hinila ako ni Matias papasok doon at agad nya kaming pinapwesto. Ako naman ay hindi alam kung akong gagawin kaya nakisabay nalang ako sa kanya.
Rinig na rinig ang tawanan naming dalawa sa loob ng machine at nakatatlo kaming hulog doon sa machine bago kami lumabas. Hawak ko ngayon ang mga litrato namin at talagang napakaganda ng mga iyon.
"Gusto mo bang kumain?" Tanong nito sa akin. Napaisip naman ako at umiling sa kanya. Napatango-tango naman sya at hindi na ulit nagsalita. Hinawakan nanaman nya ang kamay ko at kinuha sa akin ang mga litrato namin.
"Ang ganda mo dito." Sabi nya habang nakatingin sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.
"Thanks." Sabi ko habang nakangiti parin. Magkahawak parina ng kamay namin ng mapadaan kami sa isang booth ng mga students ko. Dapat ay hindi na nila ako mapapansin ng may makasalubong kami.
"Ms. Rosales?" Tanong ng isang estudyante ng mapadaan kami doon. "Oyy, guys! Nandito si Ma'am!!" Sigaw nito at hinila ako papasok ng booth nila. Halos kalahati ng mga students ko ay narito at puro babae pa sila.
"Oyyy, Ma'am!" Sigaw ng mga ito ay pinaupo ako. Napalingon naman ako sa likod ko at naroon parin si Matias, nakangiti lang bago umupo.
"Yes, si Miss Rosales ang una nating costumer." Sabi ng isa kong student.
"Ma'am, sino po ang kasama nyo? Boyfriend nyo po?" Sabi ng isa ko pang student.
"Anoーーー"
"Yeah. I'm her fiance." Sabat ni Matias. Gulat naman akong napalingon sa kanya at binigyan sya ng nagtatakang tanong.
"What the h*ll are you saying?" Tanong ko sa kanya.
"Well, kind of, right?" Sabi nya at binigyan nanaman ako ng malaki at magandabg ngiti nya.
"Ma'am, ito na po ang menu namin." Sabi ng isa kong student at may ibinigay sa amin na booklet ng menu nila.
"Gaano na kayo katagal ni Ma'am?" Tanong ng isa kong estudyante na parang magkaibigan lang sila ni Matias.
"1 month palang." Sabi ni Matias at nilingon naman ako. "Anong gusto mong orderin?" Tanong nya sa akin.
"Kahit ano nalang." Sabi ko. Ngumiti at tumango sya sa akin tapos sinabi ang order namin sa katabi nya.
"Sinong nagluluto sa inyo?" Tanong ko.
"Sila Jessa, Ma'am. Masarap po sila magluto." Sabi ng isa.
"Masarap po bang magluto si Ma'am?" Tanong naman ng isang student. Ngumiti si Matias sa akin at tumango.
"Sobrang sarap." Sabi nya habang tumatango-tango pa. Inilapitko ang muhka ko sa kanya at nagtanong.
"Natikman mo na ba ang luto ko?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Yeah, noong high school tayo, sa cooking show." Sabi nya habang nakaimpranta parin ang ngiti sa labi. Napaisip naman ako at naalalang napilitan nga pala akong sumali dahil wala kaming representative.
"Ang tagal na non, ahh. Naalala mo parin yon?" Namamangha kong sabi. Nakangiti naman sya tumango.
"Grabe, mas matagal pa sila Jessa at yung ex nya."
"Alice, tumigil ka na! Nakakahiya!"
"Kaya naman namin magtagal ni Sia. Nagsisimula palang kami kaya wag nyo muna kaming bigyan ng stress." Sabi ni Matias.
"By the way, sir. Ano pong work nyo?" Tanong naman ng isa.
"I'm a doctor." Sabi ni Matias at halatang proud sya doon.
"Ahh. Akala ko, lawyer." Sabi ng isang student habang napapatango-tango. Dumating na din ang order namin.
"Salamat." Sabi namin ni Matias matapos nilang ilapag ang pagkain sa harap namin. Nginitian nanaman ako ni Matias at kinuha ang pagkain ko pagkatapos ay hinipan nya ito.
Napatitig lang ako sa kanya habang hinihipan nya ang pagkain ko. Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa harap ko at ngumiti nanaman sa akin. Nag-iwas na ako ng tingin dahil sa hindi malamang dahilan. Napalunok ako at itinuon nalang ang oras ko sa pagkain.
"Hipan mo pa, ha? Mainiーーー"
"Ahmm..." Nailuwa ko ulit ang pagkaing isinubo ko dahil mainit pa pala ito.
"Kasi, sinasabi ko an nga ba, ehh." Sabi nito ng napakaseryoso. Nakakatakot din ang pagiging seryoso nito at ibang-iba sa ugali at mood nya kanina. "Masakit ba?" Tanong nya na napakaseryoso parin.
"Ok na." Sabi ko at nginitian sya. Nagbabakasakaling mawala ang pagkaseryoso nya.
"Hipan mo kasi muna." Sabi nya pa.
"Oo na. Sorry na." Sabi ko at kumuin na. Hinipan ko pa muna ito at pinakita sa kanya. Natahimik ito ng ilang minuto bago ito nagsalita ulit.
"Saan tayo pupunta pagkatapos natin dito?" Tanong nya sa akin.
"Wala naman akong ibang gustong puntahan. Siguro pagkatapos ko dito ay uuwi na ako dahil ngayon palang ay pagod na ako." Sabi ko. Napatango-tango naman sya at nagsalita ulit.
"Hatid na kita mamaya?" Tanong nya. Tumango naman ako at ngumiti.
"May desserts ba kayo?" Tanong ko sa mga students ko.
"Meron din po. Wait, kukunin ko ulit yung menu. Pasok kayo." Sabi nito at pinaupo ang mga bagong dating bago inabot sa amin ang menu.
"Ice cream nalang sa akin." Sabi ko.
"Ice cream cake ang akin." Sabi ni Matias. Umalis na ito at pinahanda na ang dessert namin. "By the way, kailan nga pala ang huling nagkaroon ka?" Tanong nya na nagpaisip sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ang eksaktong araw.
"Hindi ko alam, ehh." Pagsisinungaling ko.
"Hindi mo alam? Dapat alam mo yan. Paano natin malalaman kung buntis ka na?" Sabi nya. Ihinatid na sa lamesa namin ang dessert namin kaya napatigil kami sa pag-uusap tungkol sa pagbubuntis ko. Itinuloy nalang namin iyon ng makaalis na ang estudyante ko.
"Wag kakasing magmadali, Matias. Kung hindi man tayo makabuo ngayon, marami pang ibang time." Sabi ko at hinawakan ang balikat nya. Nginitian ko sya at kinukumbinsi na ok lang ang lahat.
Nang matapos kaming kumain ay sandali kaming naggala sa buong paligid at nag-try din kami ng iba pang fun booths na gawa parin ng mga students. Makalipas ang limang oras ay napagod na ako kaya nakiuwi na ako kay Matias. Agad naman itong sumunod at kaagad akong ihinatid.
"Wala bang tao dyan sa inyo?" Tanong nya sa akin.
"I guess so. May pupuntahan daw si Mommy ngayon. Ehh, si Mommy lang naman ang tao dito palagi kaya tingin ko, ok lang." Sabi ko. Pumasok kami sa bahay at pagpasok palang namin ay nadadama ko na ang pagpisil ni Matias sa bewang ko.
"I wanna go upstairs." Sabi nya habang pinapalibot ang mga mata sa bahay namin.
"Hindi pwede. Baka biglang dumating silaーーー" Napatigil ako sa pagsasalita at naistatwa sa kinatatayuan ko. Agad akong kumilos at hinila si Matias papunta sa pinto at lumabas kami.
"Waiーーー Where are we going?" Tanong nya.
"Nandito si Solane at Manuel!" Sabi ko. Agad din syang nag-freak out at nagpalinga-linga at sumilip pa sa bahay.
"I guess, I'm gonna head out." Sabi nya. Ako naman ay napakamoy ng ulo ko.
"Yeah, I guess." Sabi ko naman. Lumapit sya sa akin at niyakap ako pagkatapos ay binigyan ako ng isang matamis na halik.
"Take care. Ingatan mo sperms ko." Sabi nya at marahang pinisil ang bewang ko bago pumasok ng kotse nya at binigyan pa ako ng isa pang flying kiss. Nang makaalis na sya ay dumiretso ako ng kwarto ko at hindi na huminto pa.
- Third Person's POV -
Sa mga lumipas na araw ay may nakasunod sa kanilang dalawa ng hindi nila nalalaman. Dahil busy sa hidden feelings nila ang dalawa ay hindi nila napapansin na may nakasunod sa kanila at kinukuhanan sila ng litrato.
Nakuhanan nito ang mainit nilang pangyayari, ang date nila sa school festival kanina, at ang paghalik-halik ni Matias sa kanya at iba pang gawain nila na parang may relasyon na sila. Kung iisipin ay parang ganon na nga silang dalawa.
Magdadalawang buwan palang sila, pero bata na agad ang nasa isip nila. Kung bago palang kayo sa isang relasyon, hindi ba, ang una nyong iisipin ay kung ano ang gagawin para humaba ang relasyon nyo, pero sila ay bata na agad at kasal ang nasa isip.
Habang nagmamadaling silang lumabas kanina ay hindi nila napansin ang tao sa paligid nila. Nakita nito ang pagiging malambing ng dalawa at talagang hindi nya alam kung magiging masaya ba sya o mandidiri dahil sa biglang pagbabago ng relasyon nila.
Imagine, it went from HATERS to LOVERS. Totoo ngang times comes fly. Sobrang bilis nang pangyayari at talagang nasabayan nila ito ng ganon kabilis. Hindi din kapani-paniwalang nag-iisip na sila ng pagpapamilya.
Gusto mo na bang malaman kung sino angmga taong sumusunod sa kanila?
Ako din.
- To Be Continued -
(Thu, December 23, 2021)