Chapter 4
- Sia's POV -
Paggising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng katawan ko. Nagtataka ako dahil kapag may hangover naman ako ay hindi sunasakit ang katawan ko, pero ngayon ay parang may wawasak sa katawan ko sa sobrang sakit.
Dahan-dahan kong iginala ang paningin ko at nakahinga ng maluwag ng makitang ito naman ang kwarto ko. Pinilit kong itayo ang katawan ko at pagkatayo ko ay doon ko lang napansin na wala akong saplot.
Tinignan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot at naroon ang mga paa ko na parang hindi ko maramdaman. Nagtaka ako kung bakit may isang pares pa ng paa at dahan-dahan kong nilakbay ang paningin ko sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makitang may lawit ito.
Ibig sabihin, lalaki ang kasama ko. Agad kong nilingon ang muhka ng lalaking katabi ko at akala ko ay ito na ang pinakanakakatakot, ang may makatabi ako sa kama, pero may mas nakakatakot pa pala, kung sino angkatabi ko ngayon.
"Ahhhh!!!!!" Napasigaw ako ng malakas kasabay ng pag-iyak ko. Si Matias naman ay nahulog sa kinahihigaan nya at mabilis na nagising.
"Anong nangyari? May sunog ba?" Sabi nito habang panay ang lingon sa paligid.
"H*yop ka!" Sabi ko at pinaghahampas sya ng unan.
"A-Aray! Ano ba?!" Sigaw nya at pinigilan ang paghampas ko. "Ano bang problema mo?!" Sigaw pa nya. Habang ako ay napaiyak nalang dahil wala na ang bagay na pinakaiingatan ko sa loob ng 29 years. "Sia?! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Gulat na tanong nito.
"Excuse me!!! Kwarto ko to! At ikaw ang dapat kong tanungin nya. Anong ginagawa mo dito at anong ginawa mo sa akin?!" Galit kong sigaw sa kanya.
"Kwarto ko to, Sia. Ikaw ang nagkamali ng pasok." Sabi nya.
"Anong number ba to?" Tanong ko sa kanya at nasisigurado kong akin nga ito.
"204." Maikli nyang sagot.
"Huh?!" Gulat kong tanong.
"204 nga!" Sigaw nya din. Bigla naman ay parang gusto kong lamunin ng lupa dahil napakaya ang ko pa kanina ng sabihin kong sya ang nagkami ng pasok sa kwarto ko, tama pala sya, ako ang nagkamali ng pasok.
"Anong gagawin ko." Sabi ko sa sarili ko at parang maiiyak nanaman ako.
"Magbihis ka." Sabi ni Matias. Nilingon ko sya at binigyan ng masamang tingin.
"Kasalanan mo lahat to." Sabi ko habang umaalis ng kama para magbihis.
"Well, kung ako ang tatanungin. I'm satisfied with your body." Sabi nito at binigyan ako ng nakakadiring ngiti. "Gusto mo, ulitin pa natin ngayon, ehh. Para marinig mo yung malakas mong sigaw gabi." Nang-aasar nyang sabi.
"Tumahimik ka na!" Napipikon kong sigaw at mabilis nang nagbihis para makalabas na ako sa kwartong iyon.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin?" Tanong nya at parang may kung ano doon na dahilan para mapaisip ako.
"Hindi ko din alam..." Mahina kong sabi habang napaisip parin kung bakit nga ba. "Basta. Tumahimik ka nalang." Sabi ko at tumayo na dahil uuwi na ako mamaya.
"I can drive you home." Sabi nito.
"No, thanks." Sabi ko at lumabas na ng kwarto at napahinto. Muli akong bumalik at napakagat sa labi ko. "Pwede bang magpahatid?" Sabi ko at napakamot ng ulo ko.
"Right away!" Sabi nito at agad na tumayo at nagbihis. Agad nya akong inakay papunta sa kwarto ko at tinulungan akong ayusin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumunta kami sa kanya dahil uuwi na din daw sya pagkahatid nya sa akin.
Nagpalit ako ng damit dahil hindi na maganda ang amoy nito at hindi na din maganda tignan. Nagpalit na din si Matias ng damit nya at maya-maya pa ay handa na kaming umuwi. Tinulungan nya parin akong dalhin ang mga gamit ako at kinuha nya ang kanya bago kami umalis.
Hindi pa nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Nauna syang bumaba sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha nya ang gamit ko at hinawakan nya ako at isinandal nya sa kotse nya. Agad naman akong napalunok dahil baka may makakita sa amin.
"Mag-ingat ka, ha? Ingatan mo mga sperm ko." Sabi nya at hinawakab ang tyan ko na parang may nabuo na kami at lumalaki na iyon sa loob ko.
"Matias, ano ba? Hindi pa nga tayo nakakabuo, kung makaasta ka naman akala mo meron ba agad yan laman." Panenermon ko. Aalis na sana ako sa bisig nya ng bigla naman nya akong yakapin ng napakahigpit.
"I'm gonna miss you." Sabi nya habang parang napakalungkot at sobrang higpit parin ng yakap sa akin.
"Ano bang nangyayari sayo? Ha? Matias? Nagsisimula na akong matakot sayo, ahh." Sabi ko habang tinatapik ang ulo nya at gusto ko nang tanggalin ang yakap nya dahil I find it so creepy.
"Call me." Sabi nya pa at bumitaw na sa pagkakayakap nya. Ang mga kamay nya kanina na nasa mga bewang ko ay umakyat at nagtungo sa mga pisnge ko bago nya inilapit ang muhka nya sa akin at saka ako hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ko at nahigop ko ang hininga ko. Napapikit ako at napalunok. Isang mahabang halk ang pinagsaluhan namin at binigyan nya pa ulit ako ng tatlong tapik na halik sa labi parin. Ngumiti sya sa akin at akmang kukuhanin ang gamit ko.
"Ako na!" Sigaw ko at agad kinuha ang gamit ko at mabilis na pumasok ng bahay. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan. Si Mommy ang sumalubong sa akin at papasok na sana kami ng humabol pa ng sigaw si Matias.
"See you around!!" Sigaw nito. Si Mommy naman ay napatingin sa akin at halata ang pagtataka sa kanya. Pilit akong ngumiti para hindi na mabasa ang kaba ko.
"It's that Matias?" Tanong nya.
"Pasok na tayo, Mom!" Sabi ko at hinila na sya papasok ng bahay.
"Ok." Sabi nya at nagpaubaya na sa akin. Pagpasok namin ay naroon na sa hapag ang mga kapatid ko at sila ni Daddy.
"Ate, bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Sarah.
"May nangyari lang kaya hindi ako nakauwi." Sabi ko at kumuha na din ng pagkain.
"What happened?" Tanong naman ni Solane.
"Paniguradong ginawa nanaman ni Ate ang palagi nyang ginagawa. Lalo na, kapag natatalo sya." Sabat ni Sam.
"Paano kung ganon nga? Pwede ba? Kaya ako umuwi para maituloy ko ang pagpapahinga ko at hindi sabihan nyo ako ng mga ganyan at tanungin ng kung ano-ano." Mahabang kong sabi at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain ko.
"Pero, bakit kasama mo si Matias?" Tanong bigla ni Sam. Napalingon ako sa kanya at nagsisimula na akong matakot dahil baka malaman nya kung ano ang nangyari. "Bakit ka nya ihinatid?" Dagdag pa nya.
"Oo nga. Bakit nga ba?" Tanong naman ni Mommy. Napalunok na ako at hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kanila.
"Nagkataon lang na nagkita kami. Kaya nagpahatid nalang ako." Sabi ko at tumayo na. "I'm done." Sabi ko sabay tumayo at hindi pa ako nakatatlong hakbang ng magsalita nanaman si Sam.
"Bakit ka nagpahatid? Marami namang taxi dyan? Hindi ka ba marunong magtaxi?"
"Wala akong dalang pera!!!" Sigaw ko. Bumakas ang gulat sa muhka nila at kahit ako din ay nagulat. "Sam, pagod ako. Kaya pwede ba, wag mo na akong tanungin na para bang isa akong kriminal. Hindi ka naman abogado, dermatologist ka." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga dahil sobrang sakit parin ng katawan ko dahil sa ginawa namin ni Matias kagabi. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba kay Matias nitong mga nakaraang araw. Parang napakasweet nya at parang malungkot din sya.
May times lang na ganon sya. Pero, palagi parin syang mapang-asar at pilyo parin kahit na malapit na kaming mag-30. Bigla naman ako napaisip if kung si Matias nalang ang i-date ko. Muhka namang magiging mabait sya sa akin.
Agad akong napailing at mahina ko pang tinampal ang muhka ko. Hindi ako dapat magpalinlang kay Matias. Anong malay ko, baka nagpa-plano na yon iprank ako, anytime, anywhere. Wala pa namang pinipiling lugar at oras ang lalaking yon.
________________________________
Makalipas ang ilang mga buwan ay naging makulit si Matias. Palagi nya akong tinatawag lalong-lalo na kapag may time sya. Minsan ay palagi kong inisip kung niloloko nalang ba ako ng lalaking ito, ehh. Ang nakakainis pa ay minsan hindi maganda ang timing nito.
Umaga na ngayon at kakain na ako ng almusal dahil may pasok ako ngayon. May event kami ngayon sa school dahil ngayon ang festival ng school namin. Tahimik akong bumaba ng kusina at natagpuan na naroon na silang lahat.
Agad akong naupo sa tabi ni Mommy at nagsimula nang kumain. Nagsimula na din magsidatingan ang mga kapatid ko at si Daddy. Ang kaninang tahimik ay naging maingay dahil sa sari-sarili silang mundo. Natigil sila ng tumuniga ng phone ko.
"Bakit tumatawag si Matias sayo?" Tanong ni Mommy. Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot iyon.
"Ano ba? Ang aga-aga." Sabi ko habang nararamdaman ko ang paningin ng mga kasama ko sa hapag.
"Are you pregnant na?" Tanong nito na masigla pa sa kapeng barako.
"Not yet." Sabi ko at umirap sa hangin.
"Just inform me if you are. Don't hesitate to say. See yah." Sabi nito at ibinaba na ang tawag. Ako naman ay napatingin sa mga kasama ko na nakatingin parin sa akin hanggang ngayon. Lihim akong napalunok at nagpatuloy na sa pagkain.
"Anong meron? Bakit tinawagan ka ni Matias?" Tanong nanaman ni Sam.
"May tinanong lang sya." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi naman na sila nagtanong kaya natahimik na din ako. Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta ng school dahil kailangan kaming lahat sa opening ceremony ng festival.
- To Be Continued -
(Tue, December 21, 2021)