"Mamamatay tao ka! Wala kang pinag-iba sa ibang tao. Wala kang puso..." sabi ko. Umaatras na ako. Akalain mo, hindi ko malalaman ang lahat in a broad day light. Sa ganitong pagkakataon lang pala, na sana nalaman ko para noon ko pa ginawa at tinapos ko na silang lahat. "Irene, pinagsisisihan ko na. Nang madakip sina Alejandro ay tsaka ko lang nalaman ang lahat. I was wrong. At bumabawi ako sa 'yo ngayon. My service for you is real. Hindi na ako nagpapanggap. Tinutulungan kita sa mga binabalak mo..." "Para ano? Maitago ang kasalanan mo sa akin? Na kapag nalaman ko ang katotohanan ay palalagpasin ko lang?" Maanghang akong napatawa sa kaniyang sinabi. Wow! Bagay nga siyang maging abogado dahil alam niyang mangatwiran. "Pwes, hindi ka nagtagumpay! Inaalis na kita bilang abogado ko. Inaalis n

