"Akala mo ba nagtagumpay ka na? Maraming hindi pabor sa pag-upo mo bilang CEO. Ikaw nga ang Chairman of the board pero marami akong kaalyado na pwede kang pabagsakin kapag binigyan lang ng tamang presyo." Ani Rogelio. Ngumisi ako. Hindi pa ba nila napagtanto ang lahat? Malaki ang share ko sa kompanya, kaya nang umalis sila ay pinaboran agad ng majority ng board of directors ang pag-upo ko. May iilang nagdisapprove dahil sa incapacity kong mamuno (at yan maaari ang kaniyang binabanggit na kaalyado). Wala din akong karanasan pero pinakita ko sa kanila na kaya kong patakbuhin ang kompanya sa abot ng makakaya ko. Ang mga sinasabi niyang kaalyado sa board ay sa akin na ngayon ang loyalty. Kahit pagbotohan pa ulit, ako ang i-nonominate nila dahil mas malaki ang share ko kaysa sa ibang stockhold

