Imbes na maduwag si Wong Ming ay bigla na lamang itong napangisi ng nakakaloko habang pasalin-salin ang tingin sa dalawang nilalang na siyang kalaban niya at nagsalitang muli. "Hehehe yun ang inaakala niyo. Nagsisimula pa lamang tayo!" Nakangising wika ni Wong Ming at mabilis na nagsagawa ng panibagong martial arts skill. Skill: Sword Needle Bomb! Kitang-kita nina Venissa at Fernodo kung paanong unti-unting nagliwanag ang mga bibig ng mga buhay na baging at nagkaroon ng tila kakaibang kinikilos ng mga ito. BANG! BANG! BANG! Sa isang iglap ay malakas na sumabog ang labintatlong mga buhay na baging na siyang nagresulta ng pagkaputol at pag-ulan ng mga parte ng mga ulo ng dulong bahagi ng Demonic Blood Sucking Vines. Umalingasaw ang mabaho at tila nasusunog na amoy ng mga napinsalang du

