Walang pag-aalinlangang mabilis na pinaatake ni Venissa ang nasabing kakaibang halamang gustong dumispatya sa nasabing binatang mula sa labas ng Ashfall Forest. Alam niyang ito ang pakay nila at pinapahanap sa kanila ng tribal chief nila na si Chief Goren. Hindi sila maaaring mabigo sa pagkakataong ito lalo pa't hindi ito ikatutuwa ng lider ng tribo nila. Parang gutom na nilalang ang bawat dulo ng baging habang naglalaway ang mga ito na takam na takam sa presensya ng bibiktimahin nilang si Wong Ming na itinuturing na estranghero sa lugar na ito. Nag-uuhmnahan ang mga itong tumtawid sa distanya ng mga ito sa mismong binata. Sa isang iglap ay lumitaw ang labintatlong maliliit na sword needle na siyang naniniwala si Wong Ming na kailangan niyang mag-ingat sa kakalabanin niyang mga nilalan

