"Paano'ng nangyari ito?!" Ito ang katanungang nasa isip ni Wong Ming nang maramdaman nitong tila sinipsip ng kakaibang baging ang nasabing ipo-ipong inilabas niya. "Sumuko ka na binatang taga-labas. Hindi mo kakayanin ang kakaibang alagang naging alas ko sa pakikipaglaban. Hindi mo ko matatalo!" Sambit ng babaeng kalaban ni Wong Ming sa kasalukuyan. "Oo naman. Hindi talaga tayo matatalo ng nag-iisang lampang taga-labas Venissa. Siya nga pala binata, bago ka sumuko ay magpapakilala ako. Ako si Fernodo at sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin patungo sa aming trubo kung ayaw mong idaan namin ang lahat ng ito sa dahas!" Sambit ng lalaking kalaban ni Wong Ming matapos itong magpakilala. Makikita sa mukha nitong hindi na din ito natutuwa. "At paano naman kung hindi?! Hindi niyo alam a

