Chapter 4.2

1030 Words

Sa isang tago ngunit napakalaking puno nakakubli ang binatang si Wong Ming na mayroong pinsalang natamo dulot ng walang awang pag-atake sa kaniya ng nakaitim na balabal na nilalang. Alam niyang pamilyar ang nilalang na iyon at kung hindi siya nagkakamali ay miyembro iyon ng Black Clover Tribe at gustong ipaghigante ang kapatid nitong tinalo niya. Agad na inilabas ni Wong Ming ang kamay niyang tinago niya kani-kanina pa at kitang-kita niya na unti-unting nawawala ang kulay itim na mga ugat na tila parte ng pagkatao niya. Hindi niya alam na habang papatagal ng papatagal ay natatakot na siya sa maaaring gawin niya lalo pa't hindi ordinaryo ang nagagawa ng kakaibang penomena ng kamay niya. Nang hinawakan niya kanina ang isang kuneho ay bigla na lamang itong namatay at parang nabulok kaagad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD