Nakahawak lang kasi ito sa kanang braso nito na animo'y may pinoprotektahan o ikinukubli ito. Kung meron man ay gusto niyang makita at makuha ito. Hindi siya tanga upang hindi mapansin ang kakaibang kinikilos nito at sa sobrang dali nitong talunin. "Wag kang lalapit sakin pakiusap. Wala ito!" Tila nangigninig pang turan ni Wong Ming habang kitang-kita na sinusubukan pa nitong umatras upang lumayo sa kalaban niya. "Hehehe... Sa kinikilos mo ay alam kong meron nga. Kating-kati na ang kamay kong malaman kung ano ang tinatago mo taga-labas!" Sambit ng nakaitim na balabal na nilalang habang makikitang mabilis itong naglakad patungo sa direksyon ni Wong Ming. "Hindi! Wag kang lalapit. Wag!!!!!" Tula nahintatakutang wika ni Wong Ming habang bakas sa boses nitong ayaw niyang palapitin sa kaniya

