BAAAMMM! Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang bumagsak sa lupa na nagdulot sa kaniya ng pagkaramdam ng sakit lalo na at rinig niya ang paglagapak at pagkamudmod ng katawan niya sa maalikabok na lugar na ito. Kinusot ni Wong Ming ang mga mata niya lalo pa't napuwing siya matapos ng pangyayaring ito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babagsak siya sa lugar na tila isang nakakasulasok na pook puntahan. Hindi naman nagtagal at bumalik naman sa normal ang wisyu niya ngunit may kaunting hilo siyang nararamdaman. Ramdam niyang parang dumaan siya at ng kung sinumang nilalang sa isang teleportasyon. Ramdam niyang hindi ordinaryong nilalang ang may kagagawan nito. WOOOHHHHHH!!!! HAHAHAHAHA!!!! EYYYYYAAAAHHHHH!!! Samu't-saring mga hiyawan at sigawan ang naririnig ni Wong Ming sa

