"Magandang hapon. Ako nga pala si Head Chief Bengwin, hindi ko aakalaing makikita kita ngayon Tribal Guard Asero." Wika ni Head Chief Bengwin sa nilalang na nasa harapan nila. Lumipas man ang panahon ay hindi niya aakalaing makikita niya pa rin dito si Tribal Guard Asero na isa sa magigiting na bantay ng Black Clover Tribe. Sa totoo lamang ay hindi siya makapaniwala na sa tagal ng panahon ay walang nagbago rito. Ngunit sa pananamit nito ngayon ay alam niyang tumaas na ang posisyon nito at naging kagalang-galang na kung titingnan ito kumpara dati nang makita niya ito. "Sandali... I-ikaw ba iyan Wong Bengwin este Head Chief Bengwin?! Nabalitaan kong isa ka ng ganap na lider ng Wong Family tama ba ko?!" Sunod-sunod na sambit ni Tribe Guard Asero na tila pamilyar ang boses at mukha nang nas

