"Bakit hindi na lamang si Wong Jianguo ang ipinalit sa pwesto ama kung pareho naman pala kayong anak ng dating Head Chief? Hindi ba maaaring ganon na lamang iyon?!" Seryosong saad ni Wong Ming na animo'y hindi niya alam kung bakit kay Wong Jianguo na lamang ipinasa ang pwesto sa halip na sa ama nito. "Hindi maaari ang iyong sinasabi anak. Masyadong maitim ang budhi ni Wong Jianguo at maaaring ito pa ang ikakabagsak ng ating pamilyang kinabibilangan kung mapasakanya ang titulo bilang susunod na pinuno ng Wong Family. Kitang-kita mo naman kung saan nagmana ang suwail at hambog nitong anak. Hindi ko nga aakalaing ang lakas ng loob nitong saktan ka dahil na rin sa kunsintidor nitong ama." Seryosong sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang tila may inis sa boses nito. "Talagang malakas

