Hindi niya gugustuhing sumama rito lalo pa't alam ng ama-amahan niya na maraming sikretong nakapaloob sa katawan niya at sa misteryosong pagkatao niya. Hindi niya gugustuhing malagay sa panganib ang maraming buhay lalo na ang Wong Family dahil sa kaniya. He have to survive or else ay hindi na niya matutuklasan kung sino ba talaga siya at saan siya nanggaling. Sa isang iglap ay biglang pinabulusok ni Wong Ming ang laksa-laksang bilang ng mga sword Needles patungo sa kinaroroonan mismo ng nasabing nilalang. BANG! BANG! BANG! Sa isang iglap ay sumabog ang buong lugar na siyang kinaroroonan ng kalaban ni Wong Ming na isang halimaw. Dinig na dinig niya ang malakas na daing ng dambuhalang halimaw na may naglalakihang mga pakpak hanggang sa nagliwanag ang buong katawan nito dahil sa pagtusok n

