Mula pagkabata ay kinikwento na sa kaniya at sa ibang bata ang ganitong klaseng kwento patungkol sa kakayahan ng isang nilalang na magpalit-anyo bilang isang demonyo pero sa uri ng pagkakasabi ni Tribal Chief Yong ay parang may katotohanan ang nasabing mga kwentong ito. "Iyon ay hindi pawang alamat lamang Duàn Yuèliàng. Ang Ancient Demon Tribe ay kilala sa katawagang ito dahil sa pambihirang katangian ng mga ito na magpalit ng anyo bilang isang uri ng demonyo. Ngunit hindi lahat ng miyembro o kasapi ng masasamang tribong ito ay may kakayahang magpalit ng anyo. Only those that can able to practice demonic cultivation into the fullest, one can gain demonic power and chnage theirselves into a demon. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi lahat ng nakakapagpalit ng anyo bilang demonyo ay babalik sa

