BANG! BANG! BANG! Tatlong magkakasunod na pagsabog ang bigla na lamang umalingawngaw sa nasabing lugar kung saan naroroon ang binatang si Wong Ming dahilan upang matakpan ng napakakapal na usok ang buong lugar na ito. Mabuti na lamang at mabilis na pinrotektahan ni Wong Ming ang kaniyang sarili laban sa mapaminsalang atakeng pinalasap sa kaniya ng nagpakilalang kapatid ng demonic tamer na iyon. Ramdam ni Wong Ming may dala-dalang galit ang nasabing nilalang na iyon sa kaniya. Hindi niya alam ngunit parang pamilyar sa kaniya ang ganoong klaseng senaryo ngunit pakiramdam niya ay lahat ng ito ay pawang coincidence lamang. Sa ilang oras niyang pananatili rito ay hindi niya aakalaing dalawang naglalakasang nilalang at magkapatid pa ang makakasagupa niya sa nagdaang mga oras. Matapos mawal

