Shrrieeeeecckkkkk!!!! Isang malakas na atungal ang bigla na lamang narinig ni Wong Ming habang sumusugod ang naturang dambuhalang gagamba patungo sa direksyon niya. Weeessshhh! Weeessshhh! Weeessshhh! Napakaraming mga kulay berdeng likido ang nakita niyang ibinuga ng Illusion Weaving Arachnid na halatang galit na galit ito lalo na at nabuking siya ng isang nilalang dahilan upang ibahin nito ang taktika ng pagpaslang nito sa katulad niyang isa lamang biktima bito sa mga mata nito. Nakita ni Wong Ming ang tila umuulang mga berdeng likido na siyang nakita niyang tumama sa batuhan at sa mga damuhan ngunit umusok ang mga ito at parang nalusaw na bagay. Alam agad ni Wong Ming na iyon ay dulot ng mala-asidong tumutunaw ng bagay-bagay kapag natamaan ng nasabing berdeng likido na kailangan niy

