Matapos nag matinding labanan sa pagitan ni Wong Ming at ng dambuhalang halimaw na Illusion Weaving Arachnid ay kasabay nitong namayani ang nakakabinging katahimikan. Walang kakikitaan ng kaayusan ang kapaligiran lalo na at halos magulo o wala sa ayos ang mga punong nagtumbahan maging ng lupang tila dinaanan ng matinding bagyo. Kitang-kita pa ni Wong Ming kung gaano kalala ang pinsalang naidulot niya sa halimaw lalo na at nahiwa niya ang mga parte ng katawan nito na tila naging lason sa mga damuhang nalapagan nito. Pansin ni Wong ang tila nakabukas na bagay sa ere na kulay itim habang nakabukas pa ito sa ere maya-maya pa ay mabilis itong umiikot-ikot hanggang sa nagbago anyo nito at lumiit ng lumiit. Walang pag-aalinlangan itong sinalo ni Wong Ming bago pa ito malaglag sa kalupaan lal

