Sa hindi malamang dahilan ay sobrang tagal na naka-lutos position ang binatang si Wong Ming sa Kaniyang sariling pwesto. Halatang mayroong problema itong kinakaharap sa kaniyang pagpapawala ng mga naiwang demonic aura maging ng demonic essence na nakapaloob sa sariling beast ring ng Illusion Weaving Arachnid na natalo niya. Makikita na nakalutang pa rin ang nasabing beast ring sa ere ngunit ang nakakapagtaka rito ay mabagsl itong umiikot na nagpapahiwatig na naka-activate ito. Mayroong kung anong klaseng pwersa ang meron ito. Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niya na nasa loob ng pabilog na bagay. Wala siyang napapansing normal dito dahil ramdam niya ang nakapangingilabot na awra ng Illusion Weaving Arachnid na nakapaloob sa lugar na ito. Halatang mayroong kung anong klaseng pwer

