Episode 41

2035 Words

Dahil siguro naiba ang klima ng paligid kaya siguro madalas ubuhin si Andrea. Masyado na kasing mainit ang lungsod kumpara talaga sa sariwang hangin sa probinsya. Nanibago ang katawan ng anak ko na nasanay talaga sa malinis na hangin ang nasa kapaligiran kahit pa araw-araw ay kasama ko siya sa palengke. Napatingin ko naman siya sa doktor at binigyan na rin siya ng mga gamot para sa ubo at sipon. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala na baka lumala ang kanyang ubo at sipon. "Ate, na sundo na ba ni Lyndon ang anak ko?" tanong ko kay Ate April na kararating dito sa pwesto namin sa palengke. Masama kasi ang pakiramdam niya kagabi. Bigla na lang sumakit ang tiyan niya na akala ko nga ay isusugod namin siya sa ospital. Kaya ang sabi ko ay kaya ko naman ng mag-isa dahil nakasanayan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD