"Kamusta naman ang buong araw kasama ang dati mong pamilya, Abby? Sana narinig at nakita ko kung paano mo sila pinahiya at sinumbatan." Ang usisa ni Ate Alexis. Pareho-pareho kaming nakaupo sa lumang sala set dito sa sala kasama rin ang panganay namin na kapatid. Ang mga anak namin ay sama-sama rin sa itaas ng bahay. Takipsilim na ng ihatid kami ni Lyndon dito sa bahay sa maghapon na naroon kami ng aking anak sa kanyang bahay para makipag-celebrate ng birthday ni Mama Donna. Maya't-maya ang kain namin dahil wala naman pala talagang ibang bisita kung hindi ako lang at ang anak ko. Binuhos ko na lang ang nakakainip na mga sandali sa pagkain ng mga nakahain na handa. Panay ang kwento ng dati kong biyenan at hipag sa mga naging experience nila sa nakalipas na mga taon ngunit maingat din si

