"Abby, I'll be gone for a couple of days. Pero uuwi rin naman ako agad. May aasikasuhin lang ako sa Manila," saad sa akin ni Lyndon habang nilagay niya sa ibabaw ng lamesa ang mga bitbit niyang plastic bag ng isang sikat na super market na malapit dito sa lugar namin. Hindi ko naman hinihiling na bilhan niya kami ng mga anak niya ng mga kung anu-ano pero hindi ko rin naman siya sinasaway. Kumbaga, bahala siya sa kung anong mga nais niyang gawin lalo pa at ayoko naman na makipag-usap sa kanya sa kahit na anuman na bagay. "Ah, okay." Ang matipid ko lang na tugon sa kanya at saka ko lang ipinagpatuloy ang pagluluto ko ng gulay na ginataan na langka. Mula ng tumira ako rito sa probinsya ay natuto akong kumain ng mga gulay. Noon kasing kasalukuyan kong ipinagbubuntis si Andrea ay mataas ang

