Gimbal ako sa naabutan ko sa harap ng aking tindahan. Malayo pa lang ay napansin ko na ilang mga tao na nag kukumpulan sa harap ng aking pwesto kaya naman napabilis ang aking paghakbang patungo sa akinb pwesto. Isang patay na manok ang ngayon ay nakatiwangwang ang katawan. May gilit ang leeg na siyang marahil na sanhi ng pagkamatay ng kaawa-awang hayop at talagang ikinalat ang dugo palibot sa pwesto ko. Saan nanggaling ang hayop na ito? Lahat ng tao sa paligid ko ay nagtataka kung saan nagmula ang hayop na natagpuan sa aking tindahan gayong isa itong manok na panabong na ayon sa isang lalaking naki-isyuso ay may halaga pa naman. Agad ko na rin na pinacheck ang cctv camera na nakapalibot sa palengke lalo na ang malapit sa aking tindahan. Isang taong mga nasa anim na talampakan ang taa

