"Thank you at hinatid mo itong kapatid ko, Hanz." Pasasalamat ni Ate April ng ihatid na ako ni Hanz dito sa bahay. Tinawagan ko agad si Ate kaninang umaga na huwag na munang papasukin sa school si Andrea at manatili lang sa loob ng bahay at siguraduhin na nakalocked ang bawat pinto at bintana. Tumawag din ako sa mismong barangay kung saan kami nakatira na kung pwede ay maging alisto sa mga cctv camera na naka install malapit sa aming bahay at ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit. Matapos kong kumalma ng yayain ako ni Hanz na magkape na muna kami sa malapit na coffee shop ay nagpaalam na akong uuwi na ng bahay. Hindi naman siya pumayag na hindi ako ihatid dahil nag-alala siya na baka may masama ngang balak sa akin ang taong nag-iwan ng patay na manok sa aking tindahan at tahimik na nak

