"By the way, meron pala akong nais sabihin sayo, Abby," sambit ni Lyndon ng ihinto niya na ang kanyang sasakyan kung saan kami lulan na dalawa sa tapat na ng aming bahay. Hinayaan ko lamang siya na kumain ng kumain kanina sa italian fast food. Sa palagay ko ay bukod sa gutom na gutom na talaga siya ay idinadaan niya sa pagkain ang anuman na pinaghalong lungkot at stress na kanyang nararamdaman sa kasalukuyan na sitwasyon ng kanyang Mama. Alam kung ano ang pakiramdam dahil pinagdaanan kong lahat ng mga iyon ng mga panahon na nasa poder pa ako ng aking mga magulang. Dinadaan ko sa pagkain ang lahat. Wala akong pakialam kung tumaba man ako. Basta, kain lang ako ng kain. Medyo naging awkward ang tagpo namin kanina ng kumakain kami sa fast food ng wala sa loob ko na punasan ang nagkalat na

