Madalas ko ng dalhin sa bahay ng mga Dela Vega ang aking anak at palagi ko na nga na iniiwan sa pangangalaga nila si Andrea. Hindi ko na iniisip kung ano ang nakaraan, ang mahalaga ay ang mga oras na lumilipas na nakakaramdam ng kasiyahan si Mama Donna sa pamamagitan ng presensya ng kanyang apo. Gusto ko rin naman na muling maging malapit sa kanya ngunit hindi ko na alam kung paano? Mabuti na lang siguro na alam na lang namin na sa isa't-isa na okay na kami. Hinihiling ko rin naman na mas humaba pa ang buhay ang Lola ng aking anak. Nag-iisa na lang si Mama Donna dahil wala na akong Nanay na isa rin sana na tatawagin na Lola ni Andrea. "Kamusta naman ang business mo, Abby?" mula sa malalim kung pag-iisip ay narinig ko ang tanong ni Mama Donna na ngayon ay nakangiti sa akin. Napatin

