Episode 48

2008 Words

Ilang araw na simula ng maganap ang mga pangyayari ng malaman ko ang lihim na pina DNA test ni Loisa ang kanyang pamangkin. Iniwan ko siya sa loob ng tindahan ng damit kasama si Ate April at Andrea noong sinadya niya pa akong puntahan para ipaliwanag ang lahat para lang mapatawad ko siya at bawiin ang aking desisyon ukol sa paglayo na lang nila sa aking anak. Ngunit simula rin noon ay madalas ng nasa tabi ng bintana ang anak ko at mataman na naghihintay sa pagdating ng kanyang Daddy. Umaasa talaga si Andrea na muling hihinto ang sasakyan ng kanyang ama sa tapat ng aming bahay. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Masyadong naging malapit ang loob ng anak ko sa kanyang Daddy kaya naman talagang miss na miss niya na ito at hinahanap ang presensya. "Anak gusto mo ba na maglaro tayo ng mga toys

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD