Episode 47

2208 Words

Mula sa masiglang pagtawag ko ng mga mamimili ay bigla akong na tahimik ng may tumawag sa aking pangalan at makilala ito. Si Loisa. Hindi ko akalain na susundan niya rin ako at hanggang dito pa talaga sa tindahan ko. "Suki, anong hanap mo? Dress ba? Sando na pambata?" patuloy ko lang sa pag-alok ng mga paninda ko at binalewala na lamang ang dati kong hipag. Ano pa ba ng kailangan niya? Nilinaw ko na ang lahat kanina na bago ako umalis ng bahay nila na kahit anong gawin niya ay hindi ko na sila mapapatawad. "Ate, mag-usap naman tayo. Kahit huwag ka ng maawa sa akin. Kay Mama na lang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak sa nangyari kanina. Please, ate." Patuloy niyang pakiusap ngunit pilit kong hindi iniintindi. Hindi ko na siguro problema kung ayaw ayaw tumigi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD