"Delivery po para kay Miss Abby Dela Vega," ani ng isang food delivery boy sa akin ng tanungin ko kung ano ang kanyang kailangan. Medyo kinabahan na naman nga ako kanina ng marinig ko ang kanyang pag-door bell sa gate dahil wala naman akong inaasahan na bisita o darating ngayong araw na ito. Linggo ngayon, ang araw ng pahinga ko kasama ang aking anak. Hindi ako nagtitinda sa araw na ito dahil ito ang pinaka family day naming mag-anak. Kunot-noo naman akong nag-isip kung bakit may food delivery na sa pangalan ko pa talaga nakapangalan. Wala naman akong pinapadeliver na kung anong pagkain dito sa bahay dahil mas gusto ko ang magluto kaysa sa umorder ng pagkain sa kung saan. Wala rin naman na sinuman sa mga kasama ko sa bahay ang mahilig magpadeliver ng kahit ano dito sa bahay. "Sorry, per

