Sa mental hospital nga dinala ni Lyndon si Crissan ayon kay Ate Alexis. Hindi ko alam paano nalaman ni ate gayong magkasama lang din kami sa bahay at hindi siya umaalis ngunit ang importante ay wala ng manggugulo kay Andrea. Wala na akong aalalahanin kapag iniiwan ko ang anak ko sa bahay. Hindi ko rin alam kung hanggang ngayon ba ay may relasyon pa rin si Lyndon at ang kabit niya. Wala na rin naman akong pakialam tungkol ss bagay na yon. Ang importante ay tantanan nila ang anak ko. Hayaan nila kaming mabuhay ng normal. Bilang isang babae at isa rin naman na Ina, nakakalungkot na umabot si Crissan sa ganito masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay. Nawalan ng anak at nabaliw na ng tuluyan. Masyado rin sigurong minahal ni Crissan ang kanyang supling kaya hindi nakayanan ng kanyang isip

