"Akin na ang anak ko, Abby. Maawa ka sa akin, please. Akin na ang anak ko." Pagmamakaawa ng muli sa akin ni Crissan. "Crissan, anak ko ang anak ko at hindi mo siya anak. Hindi ko siya ibibigay sayo kahit lumuha ka pa ng dugo sa harap ko." Madiin kong wika sa babaeng kailangan na talagang ipagamot sa mental hospital. Umiling si Crissan na para bang ayaw pumayag sa naging sagot ko sa kanya. "Abby, akin siya. Anak ko siya. Kinuha mo siya sa akin dahil hindi mo matanggap na niloko ka ni Lyndon. Pinili mo na gantihan ako sa pamamagitan ng anak ko. Kaya nagawa mo siyang kunin sa akin ng sadyain mo akong banggain at nawalan ng malay. Iyon ang ginawa mo, hindi ba? Iyon ang tunay na layunin mo, ang kunin at ilayo sa akin ang anak ko." Isang malalim at mahabang bunting-hininga na lang ang ginaw

