Episode 43

1312 Words

Wala na akong nararamdaman na kahit konting awa sa dati kong biyenan at hipag kahit pa siguro maglakad sila ng ilang kilometro habang nakaluhod. Kahit pa magdugo at magsugat ang kanilang mga tuhod ay wala na akong pakialam. Binigyan ko sila ng pagkakataon pero pinamukha na naman nila sa akin na hindi ko na talaga dapat pa silang pinagkatiwalaan at binigyan ng pagkakataon na makalapit at makasama pa si Andrea. "What's happening here?" Nanlisik agad ang mga mata ko ng makita kung sino ang nagtanong. Nakatingin siya sa akin at sa kanyang Mama at kapatid na ngayon ay nakaluhod pa rin sa aking harap habang nagmamakaawa na huwag kong ilayo sa kanila ang anak ko kahit pa nalaman ko na ang katotohanan na pinagdudahan pala nila ang pagkatao ni Andrea. Galit na galit akong humakbang patungo kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD