Ilang araw rin ang naging burol nina Mama at Papa bago namin sila ihatid sa kanilang huling hantungan. Nabigla man kaming magkakapatid sa sinabi ng aming family lawyer ng basahin nito ang mga papeles na nilalaman ang mga kasulatan tungkol sa mga naiwan ng aming mga magulang ay wala na rin naman kaming magagawa pa kung hindi tanggapin ang katotohanan na wala kaming mamanahin na kahit magkano at kahit isang ari-arian na naiwan nina Mama at Papa. Gusto kong isipin na kahit sa huling sandali ay naging madamot sa aming magkakapatid ang aming mga magulang kung hindi lamang sa mga dahilan na narinig namin ng mga Ate ko. Dahil ang totoo, wala na raw pera o anuman na kayamanan pa ang aming mga magulang at baon pa sa mga utang sa kani-kanilang mga kaibigan sa mundo ng negosyo. Ayon kay attorney

