Mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog ni Andrea ng makarating kami sa bahay ni ate Alexis. Mabuti na lang at agad na may dumaan na taxi na siyang aming sinakyan para na rin hindi na kami mahabol pa kanina ni Lyndon na pinipilit pa rin kaming ihatid dito sa bahay. Ang kapal talaga ng mukha ng ni Lyndon. Kung umakto siya ay para bang wala siyang ginawang kasalanan. Hindi ako umaalis sa tabi ng anak ko sa takot na baka malingat na naman ako ng konti ay mawala na naman siya sa tabi ko. Heto lang naman ang gusto ko. Simple lang ang nais ko. Ang makasama ko lang anak ko at mabuhay kami ng walang masyadong problema pero bakit pilit na sinisira lagi ni Lyndon kung ano ang mga simple kong pangarap sa buhay. Bakit ayaw niya yata na makita akong masaya? Una niya ng sinira ang mga pangarap ko

