"I will to talk to my lawyer at nakakasiguro ako na ipapakulong ka niyang babae ka! Hindi ako papayag na gumala-gala ka lang at patuloy na maging malaya pagkatapos ng ginawa mo sa akin lalo na sa aking anak!" asik na naman sa akin ni Crissan at saka may kung anong hinalungkat sa loob ng kanyang sling bag. Maya-maya nga ay inilabas niya na ang kanyang mamahaling cell phone at gigil na gigil habang panay ang swipe sa kaawa-awang gadget. Ngunit ilang sandali na ang lumipas at ilang ulit niya rin yatang tinangka na tawagan ang kanyang tinutukoy na abogado ngunit hanggang sa mga sandali na ito ay wala pa rin siyang nakakausap. Mukhang hindi niya matawagan ang kanyang abogado. "Bullshit!" malakas na sambit ng kabit ng dati kong asawa makaraan ang ilang saglit at tangka pa na ibabato ang hawak

