"Walang hiya talaga ang Lyndon na yan! Wala na ba talaga siyang gagawin sa buhay niya kung hindi ang pahirapan ang kapatid ko?!" asik ni Ate Alexis. Kung si Lyndon nga ang tinutukoy ng lalaki na siyang bumili ng sasakyan ko ay ano naman ang kanyang pwedeng maging motibo? Bakit naman niya gagawin na sadyain na banggain ang sasakyan ni Crissan? Buntis si Crissan sa anak nila at nagawa niya akong ipagpalit sa babaeng yon dahil nga magkakaroon na sila ng anak. Kaya ano nga ba ang katotohanan sa likod ng nakakalitong rebelasyon na ito? "Kung ganun ay kilala niyo ang lalaking pinangalanan na siyang nag-utos para bilhin ang mamahaling sasakyan?" tanong ng pulis at sa akin tumitig. Isang buntong-hininga ang ginawa ko. Paano ko ba sasabihin na si Lyndon ay dati kong asawa at ang Tatay ng nag

