"Lalaki ang nag-utos sayo?" kunot-noo ko ulit na tanong sa aking kausap. "Oo, nagtataka nga ako noong una kung bakit niya ako inutusan ngayong pwede naman na siya mismo ang bumili pero hindi niya naman sinabi ang kanyang dahilan. Inalok niya na ako ng malaking halaga para gawin ang kanyang pinapagawa kaya sumunod na lang ako ng walang pag-aalinlangan. Disente naman siyang tingnan, mukhang may mataas na pinag-aralan at maraming kayamanan." Kwento ng lalaki na mabuti na lang ay nagawa pa rin na magsalita sa kabila ng kanyang bugbog-sarado na katawan. "Totoo ba ang sinasabi mo o gumagawa ka lang ng kwento para hindi ikaw ang managot sa krimen na ginawa mo?" tanong naman ng pulis. Tama, maaaring nililigaw lang ng lalaking ito ang tunay na pangyayari at binabalak pa rin na ibintang sa iba an

