Umiwas muli ang mga mata ng lalaki na aking kaharap ng marinig ang tanong ko kung kilala niya pa ba ako. Halos nakasara na pala ang kanyang kaliwang mata dahil sa sobrang maga. Ngayon rin na nakita ko na siya ng malapitan ay napansin ko na tila nakipagbuno siya at nakipag-away yata siya sa kung saan at kung sino sa dami ng sugat at pasa na ngayon ay nasa kanyang buong katawan. Ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi ko pa rin naririnig ang tugon niya sa aking katanungan. Nanatili siyang walang kibo at nakatingin sa lamang sa sahig ng presinto at wala yatang balak na magsalita. "Bakit hindi ka magsalita at makatingin sa akin ng diresto?" ang siyang tanong ko ulit sa lalaki. "Hoy! Tinatanong ka ng kapatid ko," sambit naman ni Ate Alexis at saka pa malakas na tinapik ang lalaki sa b

