Wala na akong inaksaya na oras ng marinig ko ang nais ipabatid sa akin ni Ate Alexis ngayon lang sa aking cellphone number na gamit kung saan siya tumawag para makausap ako. Dali-dali na akong nagliligpit ng aking mga paninda na mga damit at isinara na ng mabilis ang aking tindahan kahit pa dagsa na naman ang mga tao sa paligid. Sa wakas. Nahanap na rin ang lalaki na bumili ng sasakyan ko na siyang susi upang mapawalang-sala ako sa kasalanan na kahit kailan ay hindi ko naisip na gawin. Magkakaroon na ng kasagutan ang mga nakapagtataka na mga katanungan kung paano ba nangyari ang lahat at humantong pa pag-akusa sa akin na ako raw ay isang kriminal. Nilalamig ang buong katawan ko kahit pa kanina lang ay tagaktak ang pawis ko sa buong katawan dahil sa mainit at maalinsangan na panahon. P

