Episode 27

1175 Words

Ligtas naman kaming nakarating nga anak ko sa bahay namin dito sa probinsya. Ang lahat naman ng mga kilala ko na nakakaalam kung ano ang nangyari kung bakit bigla na lang kaming lumuwas ni Andrea ay nagpaabot agad ng kanilang pakikiramay sa nangyari sa aking mga magulang. Nag-abot pa nga sila ng konting tulong na pera galing sa mga kabarangay at mga kasamahan ko sa palengke na nagtitinda. Ibibigay ko na lang kay Ate April kapag lumuwas na kami ulit. Buong akala ni Lyndon ay hindi na talaga kami babalik pa ng anak niya sa lungsod. Hanggang sa sakayan ng bus ay kasunod namin siya ni Andrea. Pilit niya pa rin akong pinipigilan ngunit hindi ko na lang siya pinapansin at nag tuloy-tuloy lang ako sumakay ng bus habang karga ang anak namin na umiiyak na rin dahil ayaw na rin mawalay sa kanyang D

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD