Napapansin na namin na napapadalas na ang nitong mga nakaraan na araw ang walang tigil na pagsusuka ni Ate April kaya naman minabuti ko ng samahan na siyang magpacheck-up upang malaman na namin kung ano ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Sabi nga sa kasabihan ay nasa huli ang pagsisisi. Mahirap na at baka kung kailan malala na ay doon pa namin malalaman kung ano man ang dinaramdam ng katawan ng panganay kong kapatid. Ayaw nga ni Ate April na magpatingin sa doktor ngunit nakipag matigas na ako at pinilit na talaga ang gusto ko. Kung pwede nga lang ay kaladkarin o kaya ay buhatin ko na siya patungo sa ospital dahil ayaw niya talagang magpatingin. Marami siyang dahilan at pasakalye na ayos lang siya at wala lang raw ang nararamdaman niya. "Ate Abby?" isang pamilyar na tinig ang

