Episode 53

1018 Words

Ang malalim na buntong-hininga ni Lyndon ang tanging narinig kong kanyang tugon sa aking mga maanghang na salita laban sa kanya. "Akala ko matalino ka pero daig mo pa ang isip-bata sa ginawa mong to! Sa halip na gumawa ka ng mabuting paraan ay dinaan mo sa paspasan. Dukutin ang sariling anak? Nasaan ang utak mo? Alam mong hindi tama ang ginawa mo pero ginawa mo na naman! Bilib na bilib na talaga ako sa kapal ng mukha mo! Ibalik mo si Andrea sa akin at harapin mo ako! Huwag kang duwag! Kung noon ay hindi kita dinemanda kahit pa nasa akin ang lahat ng karapatan at ebidensya, ngayon ay hindi ko na mapapalampas ang lahat ng mga mali mo! Maghaharap tayo sa korte!" walang patid kong asik sa aking dating asawa. "Abby, wala naman akong balak na kunin sayo ang anak natin. Alam kong mali ang gina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD