Kumpleto ang bilang naming mag-anak dito sa bahay dahil araw ng linggo. Sa totoo lang, ngayon ko lang ulit naranasan na maging masaya dahil kasama ko ang buo kong pamilya kahit pa abala rin kami araw-araw sa aming mga kanya-kanyang mga ginagawa at pinagkakakitaan. Noon na bata pa kami ng aking mga ate ay madalas din naman kaming kumpleto na pamilya ngunit kami lang yata ang masaya at hindi sina Mama at Papa na konting pagkakamali lang namin ay parusa na ang tugon nila. Lagi silang abala ngunit kapag narinig na may nabasag na kung ano sa bahay ay agad na kaming pagagalitan at parurusahan. Nang mag-asawa naman ako at nakasama ang buong pamilya ni Lyndon ay tunay rin naman akong naging masaya sa piling nila kahit pa sa bandang huli ay nalaman kong huwad ang kanilang naging pakikisama sa a

