Episode 81

1303 Words

Kalmado na ang mga nakalipas na ilang araw matapos ko ng malinis ang aking pangalan sa tulong na rin ni Mister Izon na nagpapatunay na wala akong kinalaman sa nangyari kay Crissan. Nakatutok na ako ng mabuti sa aking negosyo at salamat naman at maganda ang kita ko sa araw-araw simula ng itayo ko ang tindahan ng mga damit. Nag-iisip pa nga ko ng iba pang pagkakakitaan bukod dito. Gusto kong subukan ang iba pang mga negosyo. Para kasing kahit malakas ang benta ng mga damit ay kailangan ko pang dagdagan ang ipon ko para sa kinabukasan ng aking pamilya lalo na ng aking nag-iisang anak. Isa sa mga napupusuan kong pasukin ay ang pagtitinda ng mga pawnable gold. Meron kasi akong naging kaibigan noong nag-aaral ako at ang negosyo nila ay ang pagtitinda ng mga alahas na tunay na ginto. Ewan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD