Mahaba at nakakapagod ang mga naganap sa araw na ito para sa akin ngunit nakadama ako ng saya na hindi ko mawari kung bakit ba? Dahil ba sa napatunayan ko naman na hindi ako ang siyang tunay na may sala sa krimen na nangyari kay Crissan? Pwede rin na dahil nasaktan ko ng ilang beses si Crissan na dapat ay ginawa ko pa noon sa kanya. Tiningnan ko ang aking dalawang palad na siyang ginamit ko sa pagsampal sa babae ng dati kong asawa. Minsan ko ng nasaktan si Crissan nang mag-usap kami dahil lang tinatanong ko kung saan ko pwedeng matagpuan si Lyndon. Ngunit nauwi nga aming pag-uusap sa isang malakas na sampal na pinadapo ko sa kanyang mukha. Nanginginig ang mga palad ko nang mga oras na iyon dahil hindi ako sanay na manakit ng kapwa lalo pa at kasalukuyan na buntis si Crissan ng mga pana

